Isang training workshop ang isinagawa kamakailan upang palakasin ang ‘cacao farming system’ sa bansa kaugnay ng ‘climate change.’
Isinagawa ang limang araw na workshop ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development of the Department of Science and Technology (DOST-PCAARRD) sa pamamagitan ng Forestry and Environment Research Division (FERD) ng nasabing ahensya sa pakikipagtulungan sa De La Salle University (DLSU).
Dalawampu’t-limang kinatawan ng iba’t-ibang ahensya at cacao farmer cooperatives sa mga rehiyon ang dumalo sa workshop.
Kabilang sa mga tinalakay ang produksyon, pagpoproseso, ‘marketing,’ ‘pest management,’at rehabilitasyon ng mga taniman.
Pinangunahan ni Dr. Divina Amalin, ‘professor’ at ‘head’ ng Biological Control Research Unit ng DLSU, ang training-workshop.
Sinanay ang mga dumalo sa iba’t-ibang kakayahan at pamamaraan tungo sa pagkakaroon ng matibay na ‘cacao farming system’ sa pamamagitan ng ‘biological’ at ‘ecological approach.’
Nakatulong ang pagsasanay sa pagtukoy, pagpigil sa mga peste at sakit ng cacao maging sa pagbuo ng mga plano para sa mga taniman na kapaki-pakinabang, ligtas sa kapaligiran, at naayon sa kasalukuyang panahon.
Ang training workshop ay may kaugnayan sa ‘capability building and R&D governance banner program’ ng DOST-PCAARRD.