Kayakap na ng kulturang pilipino ang kakaibang linamnam na hatid ng ‘salted egg’ o itlog na maalat. Bukod sa natatangi nitong alat, may taglay din itong ‘creaminess’ at lasap na hindi nakakasawa.
Kaya naman, hindi nakagugulat na samu’t sari na rin ang mga produktong naka-base ang lasa sa itlog na maalat. Patok sa mga mamimili ang mga ‘salted egg-flavored potato chips, popcorn, noodles, and fish skins.’ Masarap ding ihalo ang ‘salted-egg glaze’ sa iba’t-ibang prinitong pagkain tulad ng baboy, isda, at manok.
Sa pag-usbong ng itlog na maalat sa merkado, ang Unibersidad ng Pilipinas Los Baños ay nagdebelop ng produktong pulbos mula sa itlog na maalat o ‘salted duck egg powder.’ Karaniwan na itlog ng itik ang ginagawang itlog na maalat sa ating bansa. Ayon sa mga eksperto ng UPLB, ang mga ‘salted duck egg powder’ ay nagtataglay ng mataas na lebel ng nutrisyon at mas masarap ang lasa kung ikukumpara sa kaparehong produkto gamit ang itlog ng manok.
Ang ‘cabinet-drying’ at ‘spray-drying’ ay ilan sa mga paraan ng paggawa ng salted duck egg powder. Ang cabinte-drying ay inirerekomenda sa mga maliliit na produkyson, habang ang spray-drying ay karaniwang ginagamit at inirerekomenda sa mga malakihang produksyon.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa salted duck egg powder, bumisita lamang sa tanggapan ng DOST-PCAARRD o tumawag sa numerong (6349) 554-9670.