Naitala sa halos ‘zero’ ang produksyon ng soybean o utaw sa Cagayan Valley noong 2010. Iniugnay ito sa isyu na may kinalaman sa pagbebenta at pag-gamit sa nasabing produkto. Upang buhayin ang produksyon ng utaw Sa Cagayan Valley, inilunsad ang programang Enhancing Soybean Productivity and Local Availability in Region 2 noong 2011.
Ibinahagi ng programa ang kaalaman sa kahalagahan ng utaw para sa tao, hayop, kalusugan ng lupa, at nutrisyon. Itinaguyod rin ng programa ang produksyon ng utaw at ang potensyal na gamit nito sa pagnenegosyo para sa maliliit na mga sakahan sa komunidad ng Cagayan Valley.
Siniguro ng programa ang pagkakaroon ng mahusay na mga pananim. Nasa 5,000 hanggang 10,000 kilogramo ng pinahusay na mga barayti ng utaw ang ipinamahagi sa mga dati nang mga sakahan at iba pang mga lugar kung saan pinalawak ang produksyon. Ipinakita din at isinulong ng programa ang produksyon, at pagpoproseso ng utaw bilang pagkain at pakain sa hayop.
Ibinahagi rin ng programa ang paggamit ng utaw bilang ‘intercrop’ at ‘rotation crop’ sa siryal at sa mga lugar na natataniman ng mga puno ng prutas at mga punong pang-gubat. Itinaguyod rin ng programa ang paggamit ng utaw para sa protina ng sambahayan, pagpoproseso at pagluluwas sa mga pamilihan ng mga mapang-akit na produkto, at maging bilang pakain para sa baboy.
Pinabuti rin ng programa ang interes sa pagnenegosyo at kabuhayan ng nasa 20 maliliit na mga komunidad para sa pagsasaka at ganon din ng mga nagpoproseso ng pagkain. Ang mga taong ito ay patuloy na gumagawa, gumagamit, at nagpoproseso ng organikong utaw bilang pangunahin at pangpangunahing produkto.
Dahilan sa mga pagtataguyod na ginawa ng programa at pag-gamit ng mga nagtatanim ng organiko at mabubuting pamamaraan ng pagsasaka, tumaas ang ani ng utaw mula sa 1,250 kilogramo bawat ektarya sa 2,175 kilogramo bawat ektarya at nakapagbigay ito ng netong kita na Php 40,000 mula sa dating Php19,000 bawat ektarya.
Ang mga patnubay ng siyensya at teknolohiya sa ilalim ng programa at ang malakas na pagtutulungan ng pribado at publikong sektor ay naging dahilan upang ang kawalan ng produksyon noong 2010 ay tumaas. Noong 2017 ay may 1,750 ektarya na sa Cagayan Valley ang nataniman ng utaw.
Napanalunan ng proyekto ang pangalawang puwesto sa ‘development category’ ng National Symposium on Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (NSAARRD) sa taong 2018.