Nakita sa isang pag-aaral sa larangan ng pangisdaan na ang ‘probiotic Bacillus strain’ na nagtataglay ng poly-beta hydroxybutyrate (PHB) ay may potensyal na makapagpahusay sa ‘immune system’ ng ‘giant tiger shrimp’ (Penaeus monodon).
Ang PHB ay produkto ng mga ‘microorganisms’ kapag napapasailalim sila sa ‘physiological stress’ at kung saan kaunti o limitado lamang ang ‘nutrients’ na maaaring makuha. May ilang pag-aaral ang gumamit sa PHB upang patibayin ang ‘immune system’ ng mga ‘invertebrates.’
Ang nasabing uri ng hipon ay isa sa pinakamahalagang uri ng krustaseo o ‘crustacean’ sa bansa ngunit mahirap silang alagaan. Kinakapitan sila ng mga sakit gaya ng ‘white spot syndrome virus’ at Vibrio spp. Dahil dito, mahalaga para sa mga nag-aalaga ng hipon na pangasiwaan ang kalusugan ng kanilang alaga sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kanilang immunity.
Tinugunan ang nasabing pangangailangan sa pamamagitan ng proyekto na may titulong A Probiotic Bacillus Strain Containing Amorphous Poly-beta Hydroxybutyrate (PHB) Stimulates the Innate Immune Response of Penaeus monodon Postlarvae.
Nag ‘culture’ ang mga mananaliksik ng ‘postlarvae’ ng hipon at pinakain ito ng Artemia nauplii o ‘fermented’ na hipon na pinagyaman ng Bacillus sp. JL47. Ginamit na kontrol sa pag-aaral ang mga hipon na hindi binigyan ng JL47.
Matapos ang pagpapakain ng Artemia nauplii sa loob ng 15 araw, sinuri ang resistensya ng hipon sa pamamagitan ng paglulubog ng patoheno na V. campbellii.
Nakita sa pag-aaral na ang ‘melanization’ o ang ‘prophenoloxidase (proPO) activation system,’ ay naging regular sa loob ng siyam na oras hanggang labing dalawang oras sa mga hipon na binigyan ng Bacillus sp. JL47. Ang melanization ang pinakamahalagang mekanismo ng ‘immunity’ sa maraming uri ng ‘invertebrates.’ Samantala, ang proPO system ay ang pinanggagalingan ng ‘melanin,’ at nagsisilbing depensa sa mga sakit at patoheno ng mga ‘invertebrates’ kasama ang hipon.
Nakita rin sa pag-aaral na ang ‘transglutaminase’ (TGase), na may kinalaman sa ‘blood clotting’ ng hipon ay naging regular ganon din ang kanilang ‘heat shock protein 70 (Hsp70). Ayon sa pag-aaral, ang Hsp70 ay nagpapabilis sa paglaban sa maraming sakit dahil pinoprotektahan nito ang mga ‘cells’ sa ‘stress.’ Samantala, ang TGase ay isang mekanismong pang-depensa ng mga hipon laban sa lubos na pagdurugo o lubos na paglabas ng ‘fluid’ nito.
Bago pa man ang hamon sa resistensya ng hipon laban sa Vibrio, nagpakita na nang pagiging regular ang mga hene ng proPO at TGase ng mga hipon na binigyan ng Bacillus sp. JL47 kumpara sa mga hipon na hindi binigyan nito.
Ipinakikita ng pag-aaral na ang PHB na kumakalap ng Bacillus sp. JL47 ay makahihikayat sa mga hene ng hipon na may likas na immunity, partikular ang proPO at TGase.
Napanalunan ng proyekto ang unang puwesto ng aquatic science category ng Dr. Elvira O. Tan Award. Kinikilala ng parangal ang ambag ng mga siyentistang Filipino at mga mananaliksik sa paglalathala ng mga resulta ng pagsasaliksik at pagpapaunlad sa mga kilalang scientific o technical journals.