Maaaring mabigyan ng tulong pinansyal ang mga estudyanteng kumukuha ng kanilang ‘Masters’ at ‘PhD’ sa pamamagitan ng isang programa ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development ng Department of Science and Technology o DOST-PCAARRD.
Ang tulong pinansyal na nagkakahalaga ng P50,000 para sa kumukuha ng Masters at P100,000 para sa kumukuha ng PhD ay para sa kanilang ‘thesis’ o ‘dissertation.’ Ito ay kung ang kanilang pananaliksik ay kaugnay sa mga ‘priority programs’ ng PCAARRD.
Ayon kay Dr. Juanito T. Batalon, direktor ng Institution Development Division ng PCAARRD, ang pondo ay makatutulong upang matapos ng mga mag-aaral ang kanilang pananaliksik lalo na kung ang kanilang ‘scholarship grant’ ay hindi sapat.
Ang mga kwalipikadong mag-aaral ay mga regular na empleyado ng mga tanggapang kabilang sa National Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development Network (NAARRDN) at may ‘thesis’ o ‘dissertation proposal’ na aprubado na ng kanilang ‘adviser’ o ‘guidance committee.’ Ang mga paksang kabilang sa maaaring pag-aralan ay ang sumusunod: ‘technology management,’ ‘promotion and commercialization,’ ‘high end-sciences,’ ‘technologies and management systems for sustained growth,’ ‘policy formulation and advocacy,’ at ‘enhancing R&D capability and governance.’
Ang mga interesadong mag-aaral ay maaaring tumawag sa (049) 523-8441 o mag-email sa
Para sa iba pang detalye, maaaring bumisita sa website ng PCAARRD sa www.pcaarrd.dost.gov.ph.
Ang mga mag-aaral na kumukuha ng Masters at PhD sa University of the Philippines, Central Luzon State University, Benguet State University, Visayas State University, at Central Mindanao University ay maaaring mag-apply sa nasabing programa o assistantship.