Ang Nutrio© biofertilizer na magpaparami ng ani at makabubuti sa kalusugan ng lupa ay nilikha ng isang Pilipinong siyentista.
Ayon sa imbentor na si Dr. Virginia M. Padilla, ang Nutrio© ay may dalang mabubuting mikrobyo na nakatutulong upang maging malusog at maganda ang mga halaman kagaya ng tubo, palay, at gulay.
Si Dr. Virginia Padilla ay dating Researcher mula sa National Institute of Molecular Biology and Biotechnology ng Unibersidad ng Pilipinas Los Baños (UPLB-BIOTECH) at kasalukuyang may-ari ng Fullmight Agricultural Corporation (FAC) na siyang gumagawa ng Nutrio© at nagbebenta nito sa merkado.
Ayon kay Dr. Padilla, ang paggamit ng Nutrio© biofertilizer sa pagtatanim ng tubo, palay, at mga gulay ay napatunayan na matipid at nagpaparami ng ani at kita ng magsasaka ng 10-30 porsyento.
Gayundin, napapaganda nito ang kalidad ng mga ani, nagiging mas maberde ang dahon, matibay ang mga tangkay, mabunga, at malusog ang mga halaman. Ito ay dahil sa mga mabubuting microorganisms o mikrobyo na may kakayahang magproseso ng nitroheno na tumutulong sa pagpapalaki ng halaman.
Dagdag pa rito, nakatutulong ang Nutrio© upang mapabuti ang kalusugan ng mga lupang taniman. Ito ay tumutugon sa problema ng labis na paggamit ng inorganikong abono na nagdudulot ng pagkasira ng kalusugan ng mga lupa.
Sa Nutrio©, mababawasan ng 50 porsyento ang gastos at paggamit ng inorganikong pataba, dahil maaring gamitin ang Nutrio sa 50 porsyentong nitrohenong pangangailangan ng halaman.
Ito ay mabuti sa kapaligiran at ligtas gamitin. Para sa isang ektaryang tubo, kinakailangan ang dalawang kilong ng Nutrio© powder. Ang unang isang kilo ay tinutunaw sa 1,000 litro ng tubig at winiwisik sa mga dahon, dalawang buwan pagkatapos itanim ang tubo. Gayundin, ang nalabing isang kilo ng Nutrio© ay iwiniwisik sa mga dahon, apat na buwan pagkatapos itanim ang tubo.
Para sa karagdagang kaalaman, tumawag sa 0917-179-854 o tingnan ang website na nutrio-foliar.com at Facebook page na @nutrio.official.