Philippine Standard Time

Pagsasanay sa ‘research monitoring and evaluation’ isinagawa

Dumalo sa limang araw na pagsasanay sa Cebu City ang dalawampu’t-tatlong tagapamuno ng mga proyekto at mananaliksik. 

Binigyan ng titulong “Outcomes-Based Research Monitoring and Evaluation for Industry Strategic S&T Programs (ISP),” ang pagsasanay. Layon nitong pahusayin ang kakayahan ng mga nagsanay sa pagsubaybay at pagsukat sa implementasyon ng programa at ang naging ambag nito sa tinatawag na ‘outcomes pathways.’
 
Ang tagapagpatupad ng ISPs ang kabahagi ‘trainees’ ng nasabing pagsasanay.
 
Ang ISPs ay sinimulan ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural
Resources Research and Development ng Department of Science and Technology (DOST-PCAARRD). Inilalahad nito ang mga ‘target’ sa bawat industriya sa sektor ng agrikultura, pangisdaan, at likas na yaman, partikular ang aspeto kung saan makagagawa ng kaibahan ang siyensya at teknolohiya.
 
Naging tagapag-ugnay ng pagsasanay ang Institution Development Division (IDD) ng PCAARRD. 

Binibigyan ng kakayahan ng ‘outcomes-based approach’ ang mga tagapagpatupad ng proyekto upang makuha ang suporta ng mga tagapakinabang nito. Sa pamamagitan ng nasabing kaalaman, maipakikita nila kung paano ginagamit ang mga ‘resources’ at kung paano inihahatid at ginagamit ang mga natamong pakinabang mula rito. 

Naging ‘resource person’ si Prof. Wilfredo B. Carada ng University of the Philippines Los Baños (UPLB), College of Public Affairs and Development. Kinikilala si Carada sa kanyang husay sa ‘project management’ sa loob at sa ibang bansa. 

Bilang bahagi ng pagsasanay, bumuo ang mga dumalo ng ‘monitoring and evaluation (M&E) plan’ para sa mga ‘S&T projects’ kabilang ang mga ‘forms’ na gagamitin para sa mga aktuwal na gawain.