MUÑOZ, NUEVA ECIJA – Binisita kamakailan ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic, and Natural Resources Research and Development ng Department of Science and Technology (DOST-PCAARRD) ang ‘project sites’ ng proyektong ‘Monitoring and Detection of Ecosystems Changes for Enhancing Resilience and Adaptation in the Philippines (MODECERA).
Ang nasabing proyekto ay ipinatutupad ng Central Luzon State University (CLSU).
Kasama ang mga kinatawan ng CLSU, pinangunahan ni Dr. Engelbert R. Lalican ng Forestry and Environment Research Division (FERD), Strategic S&T Plan Manager for Climate Change ng PCAARRD ang ‘monitoring and evaluation (M&E) team.
Nagsagawa ang M&E team ng ‘tagging’ at ‘inventory’ ng mga kagamitan ng proyekto sa Institute for Climate Change and Environmental Management (ICCEM) sa CLSU.
Binisita rin ng M&E team ang iba’t-ibang ekosistema para sa ‘long-term monitoring’ ng ‘annual’ at ‘perennial crops.’
Kasama rin sa binisita ng M&E team ang ‘monitoring site’ para sa ‘soil erosion’ sa Brgy. D.L. Magsanoc, Carranglan, Nueva Ecija.
Kabilang rin sa mga binisita ang mga ‘sampling stations’ para sa daloy ng sapa, at pagsusuri at pagsubaybay sa kalidad ng tubig sa Brgy. General Luna at Brgy. Burgos sa ‘upstream’ na bahagi ng Pantabangan-Carranglan watershed sa Nueva Ecija.
Ang MODECERA ay isang ‘long-term monitoring program’ sa mga piling ekosistema upang mapahusay ang kakayanan ng sektor ng agrikultura, pangisdaan, at likas na yaman na maka-akma sa ‘climate change’ sa pamamagitan ng patnubay ng siyensya at teknolohiya.