Philippine Standard Time
Featured

Iba’t ibang teknolohiya ng halamang ugat, ibibida sa Root Crops FIESTA sa Visayas

Event poster ng Root Crops FIESTA.

Iba’t ibang napapanahong imbensyon at inobasyon ang ibibida sa Root Crops Farms and Industry Encounters through the Science and Technology Agenda o FIESTA na gaganapin mula ika-24 hangang 25 ng Abril sa Visayas State University, Baybay City, Leyte.

Ang FIESTA ay itataguyod ng mga ahensyang kasapi ng tatlong R&D consortia sa Visayas. Gabay ang temang “Sustainable and Effective Solutions for Climate Change, Urbanization, Research, Economic, and Development (SECURED),” layon ng Root Crops FIESTA na ipamalas sa publiko ang resulta ng research and development (R&D) na tiyak na maghahatid ng kaunlaran para sa industriya.

Mas kilalanin ang industriya ng halamang ugat o ‘root crops’ sa bansa. Matuto sa mga eksperto ng agham, matatagumpay na magsasaka, at mga negosyante sa inihahandang FIESTA technology forum. Maaari rin matunghayaan ang mga tekholohiyang handa na para sa komersyalisasyon sa FIESTA ‘technology pitching event.’

Ilan sa mga magiging tampok ay mga teknolohiya sa pagsasaka gaya ng ‘sweetpotato weevil pheromone,’ ‘hydroponic vertical gardening systems,’ at ‘root crop fertilization technologies.’ Sa larangan ng food processing, ibibida ang ‘portable vacuum fryers,’ ‘root crop chippers,’ at ‘portable flour machines.’ Tampok din ang mga masasarap na food technologies gaya nga taro wine, taro brownies, sweet potato flour, ubi pastillas, at marami pang iba.

Ang Root Crops FIESTA ay hatid ng Western Visayas Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development Consortium (WESVAARRDEC), Central Visayas Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development Consortium (CVAARRDEC), at ng Visayas Consortium for Agriculture, Aquatic and Resources Program (ViCARP) sa tulong ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development ng Department of Science and Technology (DOST-PCAARRD).

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Root Crops FIESTA, bisitihan ang facebook.com/FIESTAPCAARRD.