Nakipagtuwang ang Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development ng Department of Science and Technology (DOST-PCAARRD) sa isa pang DOST agency, ang Science Education Institute (DOST-SEI) kaugnay ng isang makabagong ‘scholarship program.’
Inaasahan na ang nasabing programa ay magbibigay kakayahan sa mga kwalipikadong ‘scholars’ na maging aktibo sa hangarin ng bansa na magkaroon ng mga pagsasaliksik na may kalidad at tutugon sa mga prayoridad ng sektor ng agrikultura, pangisdaan, at likas na yaman.
Ang ‘fellowship program’ na tinawag na Graduate Research and Education Assistantship Program for Technology (GREAT), ay tumatanggap na ng mga kwalipikadong ‘graduate students’ para sa kasalukuyang ‘academic year.’
Maaring matanggap sa programa ang mga ‘graduate students’ na handa nang magsimula sa kanilang graduate programs o kaya ay nakapagtala na ng hindi lalagpas sa 12 yunit ng ‘course work’ sa panahon ng aplikasyon.
Dapat ding natukoy na ng aplikante ang imumungkahi niyang proyekto na tutustusan ng DOST-PCAARRD o DOST, kabilang ang kaukulang pag-eendorso ng ‘project leader’ na magsisilbi niyang tagapayo sa ‘thesis’ o magiging miyembro ng kanyang ‘guidance committee.’
Ang mga interesadong graduate students ay maaaring makipag-ugnayan sa Institution Development Division (IDD) ng DOST-PCAARRD para sa mga detalye at mga ‘requirements,’ ganon din ang kaukulang proseso ng aplikasyon sa email:
Bukod sa suportang pinansiyal gaya ng buwanang ‘stipend,’ ‘book allowance,’ ‘tuition fee,’ ‘thesis budget,’ ‘travel allowance’ at ‘insurance,’ ang mapipiling scholar ay magkakaroon ng pagkakataon na makasama sa pagsasagawa ng tinukoy na DOST-PCAARRD funded project, na magsisilbi namang ‘platform’ para sa kanyang thesis o ‘dissertation.’
‘Sa pamamagitan ng GREAT program, inaasahang matatapos ng graduate student ang programa sa itinakdang panahon, samantalang makakamit rin ng proyekto ang hangarin nito sa kabuoan,” paliwanag ni Dr. Juanito T. Batalon, ang direktor ng IDD.
“Ito ang dahilan kung bakit sa umpisa pa lamang ng study program, bago pa man simulan ng scholar ang kanyang thesis o dissertation, maaari na siyang makasama sa pagsasagawa ng proyekto,’ dagdag ni Batalon.
Matapos ang pag-aaral ng scholar sa ilalim ng GREAT program, kwalipikado rin siyang magsumite sa DOST-PCAARRD ng ‘re-entry grant proposal’ kaugnay ng kanyang ‘thesis’ o kaya ay ‘proposal’ na may kaugnayan sa ‘DOST-PCAARRD priority R&D programs.’ Ang pinakamalaking grant para sa re-entry project proposal ay P5M.
“Nais naming kuhanin sa programa ang mga pinakamahusay na graduate students kaya handa kaming magkaloob ng higit sa pamantayang benepisyo kaugnay nito,” ayon kay Dr. Reynaldo V. Ebora, Acting Executive Director ng DOST-PCAARRD.
Sinabi rin ni Ebora na ang programa ay makapagbibigay ng pagkakataon sa scholars na isagawa ang bahagi ng kaniyang pagsasaliksik sa isang ‘partner R&D institution’ sa ‘abroad.’
Itinuturing ni Ebora ang assistantship program bilang isang mahalagang bahagi ng Industry Science and Technology (ISP) Strategic Roadmap ng DOST-PCAARRD, partikular sa ‘supply’ ng kinakailangang ‘human resources.’