Philippine Standard Time

Dagdag na ani ng palay, ginarantisado ng ‘plant growth promoter’ (PGP) mula sa DOST-PNRI at UPLB-NCPC

Maaasahan na ngayon ng mga magsasaka ng palay ang isang mas masaganang taniman sa tulong ng ’Carrageenan’ PGP na nagpapahusay sa kalusugan ng palay at nagpapataas ng pangkalahatang ani.

Sa pamamagitan ng ligtas na antas ng ‘radiation,’ nadebelop ng mga mananaliksik ang ‘carrageenan’ mula sa ‘red edible seaweeds’ upang makatulong sa pagpapalaki ng palay. Dahil sa taglay nitong mataas na bilang ng ‘essential nutrients,’ ang Carrageenan PGP ay isang makabagong teknolohiya sa pagsasaka upang masiguro ang malulusog na mga pananim at masaganang ani.

Ang Carrageenan PGP ay nalinang ng mga mananaliksik mula sa Philippine Nuclear Research Institute ng Department of Science and Technology (DOST-PNRI) at National Crop Protection Center ng University of the Philippine Los Baños (UPLB-NCPC).

Ayon sa mga magsasakang gumagamit ng Carrageenan PGP, napansin nila na ang pagtaas ng kanilang ani, mas malulusog na palay, at pagbaba ng pesteng insekto at sakit.

Bukod sa palay, mabisa rin ito sa ibang pananim gaya ng mais, tubo, saging, mani, munggo, at ibang dahong-gulay. Napag-alaman na epektibo ang Carrageenan PGP upang maparami ang bunga ng mani ng halos 40% habang 35% naman sa munggo.

Paano gumamit ng Carrageenan PGP?

  1. Para sa mas magandang resulta, tiyakin na tama at naaayon ang pamamaraan ng pagsasaka gamitan ng Carrageenan PGP. Suriin ang lupa (‘soil testing’), ihanda ng maayos ang lupang taniman, at pumili ng dekalidad at naangkop na barayti na itatanim.
  2. Punuin ng 16 litrong (L) tubig ang ‘knapsack sprayer’ at lagyan ng 300 ml na Carrageenan PGP. Haluing maigi.
  3. Pagkatapos nito ay i-spray ang Carrageenan PGP sa kada yugto ng paglaki ng palay: (1) pagsusuwi; (2) dulong parte ng pagsusuwi hanggang sa pagbubuntis ng palay; at (3) bago mamulaklak ang palay.

Magkakaiba ang bilis ng paglaki ng palay ayon sa paraan ng pagtatanim. Bilang gabay, narito ang tamang panahon ng pag-ispray ayon sa paraan ng pagtatanim:

Application Stage/Yugto ng paglaki ng palaySabog-tanimLipat-tanim
  1. Pagsusuwi
20 – 25 araw matapos magsabog tanim12 – 25 araw matapos maglipat-tanim
  1. Dulong parte ng pagsusuwi hanggang sa pagbubuntis ng palay
40 – 45 araw matapos magsabog tanim30 – 35 araw matapos maglipat-tanim
  1. Bago mamulaklak ang palay
60 – 65 araw matapos magsabog tanim45 – 50 araw matapos maglipat-tanim


Saan makakabili ng Carrageenan PGP?

Ang Carrageenan PGP ay maaari nang mabili sa Vitalgro Carrageenan at Aqua Oro Philippines. Makipag-ugnayan lamang sa Vitalgro Carrageenan sa numerong 0965-697-6806 at Aqua Oro Philippines sa 0917-139-1057. Makikita rin ang kanilang produkto sa mga online shopping platforms gaya ng Shopee at Lazada.