Philippine Standard Time

Matipid na patubig at mataas na ani sa tulong ng ‘automated furrow irrigation system’

Ang Automated Furrow Irrigation System o AFIS ay makatutulong na makatipid sa patubig at mapataas ang ani ng tubo. 

Ang resulta ng proyektong natapos kamakailan sa Central Luzon State University (CLSU) ay ipinaliwanag ni Dr. Armando N. Espino, Jr., tagapanguna ng proyekto, sa isang ‘webinar’ tungkol sa produksyon ng tubo na inorganisa ng DOST-PCAARRD.

Ayon kay Dr. Espino, ang pag-‘automate’ sa tradisyunal na furrow irrigation ay makatutulong na mapadali ang matrabahong irigasyon ng mga magsasaka. Sinisiguro nito na ang patubig ay nailalagay sa tamang oras at dami, nagagamit ang tubig nang mas maayos, at nagreresulta sa mas produktibo ngunit mababang gastos sa pagpapa-bomba o ‘pumping.’ 

Ayon pa kay Dr. Espino, mas mataas ang mga tangkay ng tubo at mas mataas ang naging ani ng 58 porsyento (%) kumpara sa nakasanayang furrow irrigation sa ‘field trials’ sa 1.5 na ektaryang (ha) bukid sa Barangay Dampe, Floridablanca, Pampanga gamit ang AFIS. Nakatipid din ng 47% sa tubig na ginamit at mataas ang ‘water productivity’ o ani kada dami ng tubig ng 132.87 kilo kada metro kubiko (kg/m3). 

Iniulat din ni Dr. Espino ang mgapositibongresulta ng datos sa katas nanakuhamula sa naaningtubo.  Mas mataas din ng 1.98kg ang dami ng asukalnamaaringmakuhakadatoneladangtubo (Lkg/TC), kumpara sa 1.48 Lkg/TC lamangnanakukuha sa tubuhanna may tradisyunalnasistema ng furrow irrigation. Ang bawatLkg/TC ay tumutugma sa 50kg asukalkadatonelada ng tubo. 

Ang proyektong ito ay pinondohan ng DOST-PCAARRD sa pakikipagtulungan ng Dampe Palay at Sugarcane Producers Cooperative sa Pampanga. Ang uri ng tubo na ginamit ay ang PS862 na mayroong ‘planting density’ na 30,000 ‘cane points’ kada ektarya. 

Ang AFIS ay binubuo ng ‘main controller,’ ‘field control nodes,’ ‘soil-moisture sensors,’ ‘water advance flow sensors,’ at iba pang bahagi. Ang CLSU ay nag-debelop ng ‘mobile application’ na magko-kontrol sa pagbubukas at pagsasara ng ‘valve.’ Ang valve o balbula ay bumubukas kapag ang antas ng kahalumigmigan o ‘moisture’ ng lupa ay umabot sa ‘threshold value’ nito at tumitigil ito sa oras ng ‘cut-off’ na ‘automatic’ na natutukoy ng sistema. 

Ibinahagi ni Dr. Espino na aabot ng 2,020 m3/ha ang tubig na maaaring matipid sa tulong ng AFIS. Dahil dito, ang ‘labor cost’ para sa irigasyon ay mas magiging mababa dahil sa automation. Sa nakalkulang ani na 178.13 TC/ha at Lkg/TC na 1.98, maaaring makakuha ng net income na P179,528.77/ha. Ang ‘Benefit Cost Ratio’ (BCR) sa AFIS ay mas mataas ng 2.88 kumpara sa nakasanayang patubig na may 1.45 lamang. Ang AFIS ay mas makabubuting pamumuhunan sa pangmatagalan. 

slot gacor slot gacor gampang menang toto togel slot online permata88 parlay premantoto BABETOTO situs slot situs gacor AMANAHTOTO slot gacor kenzototo slot gacor calon4d puasbet situs slot gacor hari ini Depobos Depobos Hometogel Hometogel slot gacor slot88 slot88 slot88 gacor slot88 slot gacor 88 slot gacor rupiahbet slot gacor toto togel sbotop slot gacor hari ini Slot Qris situs slot slot jackpot hokiemas88 slot gacor slot gacor slot gacor slot gacor slot gacor brojp slot calon4d hoki99 gacor hoki kenzototo kenzototo kenzototo biolabet gacor slot gacor pakde4d brojp slot sesetoto biolabet kenzototo kenzototo situs gacor slot gacor Rajabandot hoki99